About the author:
I am RJ. Writing poems is my hobby. For some reasons,, I have ventured on writing a novel. Writing is just a hobby for me. It never is my job but I dreamt on publishing my book one day. :) If you want to know more about me, you can just e-mail me.
About the story:
When I was a kid, I did not imagine myself having a relationship with a guy. But I dunno, sometimes I longed for someone. Minsan feeling ko incomplete ako lalo na pag nagmumuni muni ako. Ginawa kong oportunidad ang dull moments ko para makapag sulat. Hehe.
This is all about searching for love not specifically a boyfriend. Pasensiya na hindi masyadong pang masa ang una kong story. Pero sa next story ko pang masa na. Hehe. Im starting a new novel where in every simple gay in the universe makakarelate.
This is my pilot story. I hope you like it.
I would like to give my special thanks to my crushes for letting me post their pic here. thanks Ice and Badong. :) Though we haven't met yet, you gave me your trust. Merci.
Gusto ko rin pasalamatan ang ex ko at ang taong nameet ko nung May 2012 somewhere in QC. He was my first love. Siya ang inspiration ko sa unang story kong ito. Di ako maka move on but I know I can and I will.
About the major characters:
RJ Humphrey/Hjottenberg
Age: 22 at sana wag ng tumaas pa.
Height: 5'6'' pero sana tumaas pa. Nagchecherefer naman ako gabi gabi eh.
Sex: Lalaking nagkakagusto sa lalaki. Hehe
Profession: Accountant/Pintor/Professor
Most attractive part of the body: My eyes. Pero mas gusto kong naka contacts ng brown.
What do you want 5 years from now?: Baby. as in anak.
Gwapo. Gray eyes. Matangos ang ilong. Kissable lips. Sa unang tingin at maging sa pangalawa di mo aakalaing gay kasi pormal at desente. Isang taong labis nagmahal at labis na nasaktan. Umaasang magkakabalikan sila ng ex-jowa niya. "In his dreams."
Karl Moreno
Age: 26
Height: 5'11''
Sex: Gay after I fell in love with RJ
Profession: Professor
Most attractive part of the body: My lips. Masarap ako humalik.
What do you want 5 years from now?: I want to marry RJ.
Gwapo. Moreno. Super sexy. Kahit sino maaakit sa unang tingin pati siguro sa mga susunod na tingin. Palikero pero nung mainlab kay RJ, hindi na pumatol kahit sino. Pero gumuho ang mundo ng lokohin siya ni RJ. At least yun ang alam niya.
Age: 25.
Height: 5'10''
Sex: Straight and will never be gay.
Prpfession: Entrepreneur and Photorapher
Mosty attractive part of the body: Lahat ng parte ng katawan ko. Angal?
What do you want 5 years from now?: Have a kid. I dont want to marry anyone anymore.
Gwapo. Matangos ang ilong. Hazel color ang eyes. Kissable lips. Athletic built. Artistahin. Maraming naiinlove mapababae man o mapa miyembro ng third sex.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 1.
"Krrrriiiiiiiiiiiiinnnggggggggg!"
"Aray. Sakit
sa tenga. Asar naman oh!"
Yan ang lagi kong
daing kapag nag aalarm ang luma kong cellphone sa umaga,
sa tanghali o sa
gabi. Oo pati gabi nag aalarm ako kasi kelangan kong
magpalit ng aking
anyo. Isa akong werewolf. Joke joke joke.
Napanuod ko kasi
kagabi yung Teen Wolf. Shit sarap halikan ng bidang lalaki.
I mean lahat pala
ng lalaki dun yummy. As in parang pagkaen lang.
Pag kinain mo busog
na busog ka. Kahit buto walang matitira.
Feeling ko ako yung
bidang babae sa series na yun. Hahaha.
"In your
dreams." Kontra ng kontrabida kong kapatid sa pananampalataya.
Pananampalataya na
may darating uli na isang prinsipe sa buhay namin este ako lang pala.
"Hoy! RJ
nananaginip ka na naman. Bumangon ka na at baka magreklamo ka naman sa
Undertime deduction
mo." sabi ng aking bading na friend.
"Lola. wala ng
magiging UD sakin kasi resigned na ko."
Well, ako si RJ Humphrey,
22, gwapo... sabi ng nanay ko, sumalangit nawa, at yes. jobless na ko. Mahabang
kwento. pero iku-kwento ko pa rin sainyo one of these days. At higit sa lahat lalake
ako...
"Weh?!"
sabi ng sumapi sakin. Di ko alam kung may dual personality ako o sadyang
ganun lang ang tao
kapag alam nating di totoo ang mga pinagsasabi natin.
Oo alam ko sa
sarili ko. lalaki ako.
"E bakit
prinsipe hanap mo?" sabi ulit ng utak ko.
"E sa lalaki
akong may gusto rin sa lalaki. Ano may problema ka?
Suntukan na lang
oh? Wala ka pala eh."
“Hoy bestfriend
kinakausap mo na naman ang sarili mo. Mag aalas-ostso na!" sabi ni Tin.
Siya si Tin. Isang
bakla. Este babae pala siya. Babaeng bakla nga lang.
Magkaibigan kami
since college siguro until tumanda kami magkaibigan pa rin ata kami.
Never kami nag away
niyan.... Hehe joke lang. Nagaaway kami niyan siyempre.
Siya na ata ang
pinaka-nilalanggam na friend sa buong mundo sa sobrang kasweetan niyan.
Kaya kahit mag away
kami, nagkakabati lang din kami. Isa lang naman ang pinag aawayan namin.
Ang di ko pag move
on at paglimot sa nakaraan.
Laging litanya
niyan sakin, “RJ, let bygones be bygones.” “Lagi ko naming reply sa kanya, “I’d
rather live in the past than live in the present coz i don’t want to live a
future without him.”
Ambaet din ng
bestpren kong yan. Nauutangan eh. At higit sa lahat mapag bigay. Alam niyo bang
share kami sa boypren niyan. Hahaha. Tawag ko nga sa boypren niyan ay BABY G.
Minsan naiisip kong
mag move on na nga lang. Kaso everytime na gawin ko ang pagmomove on, parang
namamatay ako.
“Tumigil ka nga!
Sabihin mo di ka na mahal ng lalaking yun! Sino bang mas pinaniwalaan niya? Di
ba ang pamilya niyang kontrabida.” Sigaw
ng utak ko sa sarili ko.
“Tama na ok.
Masyado kang affected! Siyempre pamilya niya yun. Ako boyfriend niya lang.”
Pagrarason ko.
“See. Boyfriend ka
niya lang. Di ka niya maipaglaban. Di ka niya kayang paniwalaan. Di ka niya
kayang....” walang tigil sa pagrarason nito.
Napaiyak na lang ako
kasi tama ito. Tama ang kontrabidang nasa isip ko.
"O siya. lola Tin
maliligo na ko para makuha ko na mga naiwan kong gamit dun sa office."
Sabi ko sa kaibigan kong malelate na rin sa school nito. Nag aaral kasi ito ng
law. Full time and fully pledged student na kasi ito. Nagsawa na siguro sa
dalawang taong pag tatrabaho nito.
Thirty minutes na
byahe papuntang Ayala galing Crossing. Mga 9 am ako umalis sa condong
tinitirhan namin. Nasa bus ako ng maalala ko mga nangyari. Sa nakalipas na
tatlong weeks. Aside from heartache, headache din ang dulot ng lintik na
trabaho ko.
Binigay ko lahat na
makakaya ko para gampanan ang trabaho ko at sinumpaang kong propesyon.
Pero ayon, biglang
nawala dahil sa prinsipyong pinaiiral ko sa buhay. Yun lang ang meron ako kaya talagang
pinaglaban ko. Dahil sa tumiwalag ako sa kagustuhan ng kompanyang
pinagtatrabahuhan kong ibulgar ang findings ko sa korte.
Tandang tanda ko pa
nung kinausap ako ng PANGINOONG MAY LUPA AT LANGIT na bosing ko
dahil sa ginawa ko.
"You're
firrrreeeed!" sabi ng bosing ko. “You’re part of this company. You should
protect its reputation and abide by the code of ethics.”
What? Ano raw?
Abide the code of ethics? E anong ginawa ko? Sumunod ako sa code of ethics no.
Kahit ipabasa ko pa sa kanya ang Republic Act 9298. Makikita niyang tama ang
ginawa ko. Bwisit. Miss Tapia siyang bruhilda siyang anak ng naagnas na magulang
niya na nasa sementeryong kinasasadlakan ng kanilang kaluluwa. Amen.
"No madam. Di
nyo na kailangang pang i-fire ako kasi, i am resigning." lakas loob kong
sagot sa kanya.
"All my life i
thought this profession was the best for it searches for the truth, but with
what you have done and what the company has done to me, it only proves one
thing, that books are just meant for reading and justice is a commodity."
I spoke to her with sarcasm.
Paglabas ko ng
office niya, nakita ko mga dating ka officemates ko. umiiyak ako pero I am not
crying dahil nagresign ako ha. Umiiyak ako kasi siyempre di ko na makakasama
ang mga officemate ko na napalapit na rin sakin.
Kahit masakit
kailangan kong gawin. Kahit minahal ko ang trabaho ko kelangan kong panindigan ang
prinsipyong pinaiiral ko sa buhay. At tsaka no, kailangan ko na ring
magconcentrate sa paghahanap ng boypren. Matagal tagal na rin akong walang
boypren. Tama ang bespren kong si Tin. Nagpakagago lang ako sa work ko at di ko
inisip ang sarili kong buhay.
Puro kasi trabaho
and ginawa at inisip ko nun. Dedicated ako sa work ko kaya nga within a year
lang e napromote ako bilang Assistant Manager from Senior Auditor.
Moving on. Hehe.
Yaw ko na pakialaman ang mga nakalipas. Dapat ibinabaon na sa hukay at dasalan
na lang. Anyway back to boypren searching, naisip ko minsan na magpa advertize
sa dyaryo ng,
WANTED:
Boypren
siyempre dapat kasing edad ko
walang kong datong kaya wag maghanap
ng sweldo
dapat gwapo
kahit di macho basta mamahalin ako
ng totoo.
At higit sa lahat HINDI mayaman.
Hehe. Desperado
lang? Desperadong makamove on sa past broken-hearted life. Pero naisip ko,
bakit nga ba hindi? Magkano kaya ngayon ang pag papa-advertize sa diyaryo?
Hmmm. Matry nga.
Anyway highway, three
months na rin nakakaraan nung magbreak kami ng boyfriend ko dahil sa
insidenteng gusto kong kalimutan pero gabi gabi kong napapanaginipan.
Pero andiyan ang
kaibigan ko, laging naka agapay sakin.
Three months na rin
naman nakakaraan, i’ll try moving on. Sabi nga ni papreng Popoy kay mareng Basha
dun sa “One More Chance” di ba, “Three-month rule”, Oh di gora na pwedeng pwede
na. Para makapag move on na ko. Kaya ko nga ba?..
Natulala ako sa
kakaisip kung makakaya ko nga bang makapag move on. Basta basta mkaaka move on
rin ako. Right?!?
Pagkatapos kong
makuha mga gamit ko umalis na agad ako.Gumala muna ko sa Greenbelt, Landmark at
SM Ayala. Napadaan ako sa Starbucks. Andaming tao? Bakit kaya? May shooting ba?
Haha. Wala naman. Marami talagang tao. Yun ata ang libangan ng mga sosyal,
nagsososya-sosyalan, mga feelingerong tao sa mundo. Bakit kelangan pang sa starbucks
bumili ng kape e pwede 3 in 1 lang sa tindahan bumili ah. Kape lang worth 100
pesos na e sa tindahan 5 pesos lang yan. Ilang 5-peso na kape na ang 100?
Twenty na kape na yan ah. Di ba?
Ang daming
naghihirap sa mundo. Tapos kung maglustay ng pera ang mga tao parang bra at
panty lang. Disposable. Haha. Hay buhay.
Lumakad na ko
palayo.
"Aray."
sabi ko. may bumangga sakin anghel este demonyo pala.
Yun nga lang napaka
gwapong demonyo. As in. to the highest level of kagwapuhan. Daig pa ang mga
artistang nakikita ko sa tv. Daig pa yung bida sa Teen Wolf. Pwedeng pwedeng
ipinta ang mukha sa canvass.
Dumerecho lang ang
lalaki papasok sa Starbucks.
"Aba't
antipatiko. Hoy lalaki."
"What?"
inosenteng sagot nito.
Aba antipatiko
talagang lalaking to. Kung di ka lang gwapo baka sinuntok ko na to e.
"Weh? Sa
gwapong yan? Susuntukin mo? Imposible." sabi ng isang parte ng utak ko
"Oo susuntukin
ko at hindi lang yun. Ingudngod ko pa mukha niya sa canvass." sagot ko sa
sarili ko.
"Hoy hindi ka
man lang ba magsosorry? Ha? Kaw na nakabunggo. Kaw pa ang galit? Ikaw kaya
bungguin ko?"
"I doubt
that." sabi nito na nakangiti pa. At kumindat pa.
Sheeeet. Ganda ng
ngipin. Ang gwapo talaga. Pero teka teka. Hindi pwedeng ganito. Di ako pwedeng
magpatangay sa sinumpang kagwapuhan nito.
"Pakindat
kindat ka pa dyan. Di ko binibili yang mata mo. Teka bakla ka no? Hahaa.
Magsorry ka kung ayaw mong mangudngod mukha mo sa lupang kinatitirikan ng mall
na to" sabi ko rito.
Humalakhak ito at
sabay sabing "In your dreams..." Tumalikod na ito at pumasok sa
Starbucks.
Antipatiko
talaga.Lakas ng tama ng lalaking to. "Mamatay ka na. Antipatiko. Feeling
gwapo." sabi ko.
tumalikod na rin
ako. Tumakbo na ko. Maraming taong nakasaksi sa nangyari. Kakahiya. Wah
makikita ng lalaking yun. Pagnakita ko ulit yun masusuntok ko na talaga ang
gagong antipatikong walang kwentang demonyong lalaking yun.
"Aw haba ng
description ah." sabi ko sa other side ng utak ko.
"Tumigil ka
nga." sabi ko.
Nanuod muna ko sa
glorietta. Gusto kong magunwind sa mga nangyari sa work ko at higit sa lahat
mag move on sa antipatikong lalaking yun. Move on? Mali ata ang word na ginamit
ko. Basta gusto kong alisin ang negative vibes sa sistema ko. Nanuod ako ng
movie "The Reunion." Hmmm. gwapo talaga ng crush ko. Si Enchong Dee.
Um-echo ang sinabi sakin kanina ng antipatikong lalaking yun ng paulit-ulit.
"In your dreams..."
"So what"
Sabi ko sa sarili ko. Masama bang managinip? Pasalamat siya hindi siya ang nasa
panginip ko kasi baka wrestlingin ko siya.
Bandang one ng
hapon umuwi na ko. Nag MRT na ko. Sisiksikan as usual. Ng makarating ako ng
condo. Nakinig na lang ako ng music hanggang sa makatulog ako. Nagising na lang
ako sa pagkanta kanta ng kaibigan kong si Tin. Bumangon na ko at kumaen kami sa
labas at nagkwentuhan sa mga nangyari sakin at sa plano ko.
Mag aaplay ako sa
ADMU bilang professor sa Foreign Languages. Marami akong alam na ibang
linggwahe. Lumaki ako sa ibang bansa. Kaso sumama ang loob ko sa pamilya ko
kaya naglayas ako. Basta bukas ibang buhay na tatahakin ko. Sisimulan ko sa
pagbabago ng anyo ko. Hehe. Parang pinanganak daw ko sa kapanahunan ni Jose
Rizal. Naisip ko wala naming masama kung baguhin ko ang anyo ko di ba. Lagi
akong pinagsasabihan ng friend ko na mag ayos daw ako. Simula kasi ng magbreak
kami ng ex ko nagpaka betty la fea na ako.
Basta simula na ng
pagbabago ng buhay ko. Walang atrasan to. Let the search for boyfriend begins.
“Hephephep.
Hinayhinay lang.” Sabi ng kontrabida kong utak.
Hahahaha. Natawa na
lang ako sa naiisip kong kakaibang plano.
J




No comments:
Post a Comment