Total Pageviews

Monday, January 7, 2013

WANTED: Perfect Boyfriend 4



Hoho. Ayan nagkakilala na sila. Wah. Sex na aga para tapos na! Joke. Pero according to an article na nabasa ko. Sex is part of a relationship. 75% ng relationship na wala daw na ganun ay bound to fail. Hekhek. Addict kasi sa sex yung relationship guru na yun. Bwisit.

O siya nagugutom na ko. Kaen muna.

So addicted to a song right now


Enjoy reading while listening to Pink. Mwah.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 4

RJ

“Wag kang magalaw ok. Konteng tiis na lang.” Mando niya kay Nate.

“E sa kanina pa kong di gumagalaw. Anong akala mo sakin Statue of Liberty?” pagdadahilan nito.

Natawa ako. Walang kahirap hirap kong napa-oo ito sa gusto ko ng walang repercussion sa akin. Galing ko di ba. Abot ngiti kong pinipinta ang kabuuan nito. Napagwapo nga ito. Wala itong damit. Tanging semi-fit na pants ang suot nito at may pakpak. Animo’y isang anghel ito lalo na kung nakangiti. Pag nakalukot ang mukha nito anghel pa rin tingnan.

Yummyng yummy talaga ito. Kape na lang ang kulang. Pero kahit walang kape ok na. Sino ba naman ang di mabubusog sa anim na pandesal na nakadikit sa katawan nito? Hehe. Napag alaman niya na nagwowork out ito.

Natawa ito ng sabihin niyang marami na ngayon bading nagwowork out.

“Are you insinuating that I am gay?” cool na pagkakasabi nito.

Kasi nga naman gays nowadays like gays na macho. Kaya lahat nagpapamacho na. Swear. Punta ka lang sa mga gym, aakalain mo lalaking lalaki pero once na makakita ng gwapo, makikita mo tunay na kulay.

“Of course not. Why would i? The hell I care. I just want this masterpiece be done and sold.” Pagdedepensa niya.

“Nakakapaglaway talaga ang kagwapuhan at kamachuhan nito. Di ba, di ba?” sigaw ng malaswang utak ko.

“Tumigil ka nga. Pinopollute mo ang innocent mind ko.” Saway ko rito.

“Weh. Polluted na yan!” sagot nito.

“Magtigil ka. I have to work.” Pagtatapos niya sa pakikipag usap sa sarili niya.

Naalala ko ung papano ko ito napapayag na maging modelo ko sa pinta ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“If di ka pumayag na maging modelo ko, ihahabla kita sa korte.” Pananakot ko rito.

“Tinatakot mo ba ko? Wala kong kasalanan. Ikaw ba naman na tumawid sa highway e may footbridge na man.” Depensa nito.

Tameme ako. Kapag di madaan sa santong paspasan. Daanin sa santong pagpapaawa.

Di na ako nagsalita. Di na rin ako umimik. Bumalik na lang ako sa kama, humiga at tumalikod dito. Hmmm. Kung may puso ka kakagatin mo tong drama ko. Umiiyak na ko.

“Hey bakit ka umiiyak diyan.” Tanong nito.

Di pa rin ako umiimik. Mga 30 minutes silang nanahimik until basagin nito ang katahimikan.

“Hey. Look sorry ok. Ano bang modelo kasi ang pinagsasabi mo? I’m not into limelight. Ok.” Pagpapaliwanag nito. “Hey ok fine. Pumapayag na ako.”

Napangiti na lang siya. Mabait naman pala ito eh. Hehe. Ok. I win.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nate

Paano ba ko nasadlak sa pagmodelo para sa taong ito. Naawa kasi ko rito. Di na ito nagsalita.

Kapag tinititigan niya ang mukha nito habang pinipinta siya nito, napapawi ang pagod niya sa pag di galaw ng ilang oras. Napakaganda ng mata nito. Siguradong may dugong alien ito. Hehe.

“Hoy alien matagal pa ba? Kakapagod na.” Pagmamaktol niya.

“Madali na to. Konti na lang.”

“Uhaw na ko. Kuha muna ko ng maiinom.” Sabi ko rito.

“Hep hep hep. Ako na lang ang kukuha. San ba rito. San ba kitchen mo rito? Sagot nito. “Wag kang kikilos diyan. Kung hindi kukutusan talaga kita.” Pananakot nito.

“Fine bilisan mo. Pagbaba mo kanan ka.” Bigay niya ng direksiyon dito.

Ilang minutes pa. Wala pa rin ito. “Hey RJ ang tagal mo. Bilisan mo. I am so thirsty.” “Di ko na kayang pigilan to.” Sigaw niya. May narinig siyang nabasag at sigaw. Kumaripas siya ng takbo pababa. Nakita niya itong hawak ang puwitan habang nakaupo sa sahig.

“Shit. What happened? Are you alright?” tanong niya.

“Aksidente ko kasing natapakan yan weights mo at nadulas ako. Sorry.” Akmang tatayo na sana ito.

“Hey don’t move. Maraming bubog. Baka masugatan ka. Kasalanan ko ito. Hindi kasi ko sanay na may kasama rito sa unit ko kaya kahit saan ko lang nailalagay mga gamit ko.”

“Nope it’s ok.” Tipid na sabi nito.

Niligpit ko ang mga bubog. Nakatingin ito sa kanya. Nakita niyang basa ang mukha at katawan nito dahil sa tubig na natapon dahil sa damuhong barbell niyang to. Parang maamong pusa ito. Ang cute cute. Kumuha siya ng towel sa CR. Pinunasan niya ito. Di pa rin ito nagsasalita. Magkalapit ang kanilang mga mukha. Napatitig siya rito habang pinupunasan niya ito. Napagtanto niyang naaasiwa ito.

“Ahm. Ayan pwede ka ng tumayo. I’ll just drink at babalik na ko sa taas. Sunod na lang ako sayo.” Utos niya rito.

“I really am sorry.” Sabi nito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

RJ

“Kakahiya. Bat ba kasi andun ang barbell na yun? Bat kasi di ko nakita yun? Wah! Sakit ng puwit ko. Bwisit talaga.” Bigla siyang natulala at bumalik sa kanyang alaala ang napakagwapong mukha nito habang pinupunasan nito ng tuwalya ang kanyang mukha.

“Nagkakagusto ba ko rito?” bigla kong naitanong sa sarili ko. “No. That is impossible. Di pwede. Mahal ko si Karl. Siya lang mahal ko.” Pagkokombinse ko sa sarili ko.

“Gaga. Iniwan ka na nga di ba!” Kontra ng utak ko.

“Nope. Yeah he did pero dahil yun sa di niya alam ang katotohanan.” Depensa ko.

“Gago ka talaga. Di ba sinabi mo na nga sa kanya na parents niya may kagagawan ng mga nangyari.” Atake naman ng traydor kong utak.

Napagtanto niyang tama ito. “You may be right pero hindi ibig sabihin nun pwede na kong makipaglandian sa iba.” Pangangatwiran ko.

“Kaloka ka talaga. Kung pwede lang kumawala sa katawan mo matagal ko ng ginawa.”

“Wag naman ganun. Ikaw ang conscience ko. Kapag kumawala ka sa akin magiging kamukha mo si dagul!” pang aaliw ko sa sarili ko. Siguro nga nagkakagusto siya sa Nate na to.

Sabagay. Base sa nakita ko kanina maalaga siya, mabait, gentleman, at...”

“At napakagwapo pa!” nabigla ako sa pagsagot ni Nate sa aking likuran.

“Huh? Kanina ka pa ba diyan?” may halong kabang tanong ko rito.

“Nope.” Nakangiti ito habang papalapit sa kanya.

Bwisit narinig ata niya. Hindi pwede hindi pwedeng malaman niya na may crush ako sa kanya. Hindi!

Crush? Hindi ko pala siya crush. Hindi. Imposible. Nabigla siya ng bigla itong lumapit sa kanya at akmang hahalikan siya nito. Magkatapat ang aming mga mukha. Mas matangkad lang ito sa kanya ng 1 inch. Kaya saktong sakto lang. Kumaripas siyang pumalayo rito.

“Hmp. If you think that i like you, you’re wrong! I just know how to appreciate the... hmm... the beauty of an art.” Pagpapalusot niya.

Lalong tumawa ito ng malakas.

“Can you just stop it. Balik na sa pagiging estatwa! Choo!” utos niya rito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



Nate

Natatawa siya sa reaksiyon nito. Narinig niyang nababaitan ito sa kanya at Gentleman daw siya? Siyempre Masaya siyang ganun ang tingin nito sa kanya. Kaso mukhang nagkakagusto ito sa kanya. Hindi maaari yun.

8PM natapos ang pagpinta nito sa kanya. Nagsimula sila ng 1PM. Mahaba haba rin pala ang pagpipinta. Nakita niyang puno ito ng pawis.

“Hay salamat tapos na. Hey ito suotin mo. Medyo pawisan ka diyan. Pwede ko na bang makita sarili ko?” nakangiting tanong niya rito.

“You can. Ayun ang salamin sa likuran mo!” pabalang na sagot nito.

“Hey wala naming ganyanan. Galit ka ba?” tanong niya. Hindi ito nagsalita. “RJ. Please, wag ka ng magalit. Ok narining kong nababaitan ka sakin. Siyempre masaya akong ganun ang tingin mo sakin kasi talaga naming mabait ako.” Pagpapaliwanag niya rito.

“Hindi ako galit. Ngumiti ito. May spare clothes naman ako sa bag ko.” Sagot nito. Akmang kukunin na nito ang bag nito. “What the fuck, asan yung damit ko rito?” tanong nito sa kanya.

“Malay ko.” sagot niya. “Bakit ko naman papakialaman yang gamit mo?” Kumunot ang noo nito.

“O shit. I left it at home. Sige pahiram na lang ko niyan.” Akmang huhubarin nito ang suot nitong damit ng marealise nito nasa harapan siya nito.

“Makigamit ako ng CR. Ok.” Saad nito.

“You don’t have to. Parehas naman tayong lalaki rito. Tsaka damit mo lang naman papalitan mo. Magpalit ka na. Puno na ng paint yang damit mo.”  Tumalikod na siya para bigyan ito ng privacy. Kumuha na rin siya ng kanyang damit. Nakita niyang nagpalit nga ito.

Ang cute cute talaga nitong tingnan. Maganda naman katawan nito. Parang laging nag gygym gaya niya, kaso sabi nito di raw ito nag gygym. Sumasali lang ito sa marathon kasama ng kaibigan nito.

“Hey nananantsing ka eh.” Nakangusong wika nito.

“Haha. Tado! Di tayo talo RJ. I am straight. Nacucutean lang ako sayo. O siya order lang ako ng dinner natin before ka umuwi.”

“Ok.” Tipid nitong sagot.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nate

Tumunog ang phone ni RJ. “O siya alis na ko. Andiyan na sa labas ng gate ang mga kapatid ko. Hiramin ko muna itong damit mo. Medyo mabaho na kasi at madumi yung damit ko. Ibalik ko na lang sayo bukas.” Paalam nito sa kanya.

“Ok ihatid na kita sa baba.” Habang nasa elevator sila. Humirit pa siya. “Talaga bang ayaw mong pakita sakin yang painting? Eh ako naman yang nasa painting mo ah.”

Ngumiti ito sa kanya. “Don’t worry I will let you see it tomorrow. Wala naman akong work bukas. Punta ka sa art gallery ng kaibigan ko sa Makati.”

Nakita niya ang dalawang lalaking nasa pasilyo na nakangiti at tinatawag si RJ. Talaga naman palang lahi ng mga gwapo ang mga ito. Ang isa mukhang European gaya ni RJ ang isa naman mukhang Amerikano. Hehe siyempre di papahuli ang kagwapuhan niya.

“Kuya at Lance, Si Nate. Nate, ito ang dalawa kong kapatid, si Kuya Alechz at si Lance.” Pagpapakilala ni RJ sa kanila. Nakakunuot noo ang dalawang kapatid nito.

“Hoy! Kaw ba ang bagong boyfriend ng kuya ko. Wag na wag mong sasaktan ang kuya ko. Kung hindi gugulpihin kita hanggang sa matsugi ka? Naintindihan mo” pagbabanta ng kapatid nitong si Lance. Pinatong ni RJ ang kamay nito sa mukha ng nakababatang kapatid nito. “Pasensiya ka na sa kapatid ko. Ganyan lang talaga yan.” Nakangiting sabi ni RJ.

“Kuya naman eh. Ayaw ko lang mangyari ulit yung ginawa sayo ng gagong ex boyfriend mo. Pagkatapos mong mahalin ng sobra sobra e iiwan ka na lang basta basta” pagdadahilan nito.

“Hey. Pasensiya ka na Nate. Wag mo na lang pansinin ang kapatid ko. Lance shut up ok.” Nanahimik si Lance.

“Hey, Nate. Dont you dare mess up with my brother or else i’m gonna kick your ass out.” Pagbabanta ng nakatatandang kapatid ni RJ na si Alechz.

“Kuya Alechz pati ba naman ikaw.” Wika ni RJ.

Nakita niya kung gano kaprotective ang dalawang kapatid ni RJ. “Don’t worry mga boss, i will love him with all my heart. I’ll never let him cry – even a single shed of tears.” Sabay tingin niya kay RJ at kininditan niya ito.

Nakita niya ang pagbabago ng mukha nito. Nabigla ito at mukhang nagiging tigre ulit. Aw. Lagot. Mukhang sasakmalin na siya nito.

:P
J

WANTED: Perfect Boyfriend 3


Gusto kong pasalamatan si Anabel sa pag react sa aking post sa fb regarding my story. Hala kahit sino pasasalamatan ko na. Sa future readers thanks. Writer lang ang peg. Mag artista na lang ako. Kapagod magsulat eh. Hihi.

Lemme quote a new saying, "Ang mga bading hinding hindi mauubos pero ang mga straight konti na lang!" hoho. Ako straight ako. I swear. Lalaki ako na may gusto sa lalaki. Papalag ka pa?

Enjoy reading :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------


CHAPTER 3

Nathaniel Montreal El Greco

“Damn it. Can you please stop calling me?!?” Singhal ni Nate sa kausap niya sa phone habang nagmamaneho pauwi sa kanyang Condong tinutuluyan. Galing kasi siya sa isang branch ng kanyang Coffee Shop sa Quezon City.

“Look. Blair. We’re done. After what you did to me, you think I’ll still forgive you? Oh come on. Don’t give me a damn. You can have sex with anyone you want for all I care. Adios!” Pagtatapos ni Nate sa ex girlfriend niya.

Napabuntong hininga na lang siya. Minahal niya ito ng sobra. Binigay niya lahat dito. Pero anong ginawa ng babaeng akala niya ay magiging kasama niya pang habang buhay? Nahuli niya lang naman itong nakikipag talik sa bestfriend nito.

“Bwisit. Move on Nate. She does not deserve you.” Bulong niya sa sarili niya.

Nakita niya ang diyaryo. Di pala siya nakapagbasa yesterday. Medyo matrapik. Tiningnan niya ang classified ads kung naipublish nga ba ng diyaryo yung work ad. Nangangailangan kasi siya ng accountant para sa business niya. Nakita niyang meron. Pero bigla nangunot ang noo niya ng makita niya ang nakapublish na.

WANTED:
            Boypren
            siyempre dapat kasing edad ko
            walang kong datong kaya wag maghanap ng sweldo
            dapat gwapo
            kahit di macho basta mamahalin ako ng totoo.
            At higit sa lahat HINDI mayaman.
            Text or call me: 639XXXXXXXXX

Baliw na siguro ang nagpapublish nito.

Shit. Nahulog niya ang kanyang cell phone. Inabot niya ito habang nagmamaneho. Pinakaiingatan niya ito kasi regalo ito sa kanya ng kanyang nakababatang kapatid. Actually kaya naman niyang bumili kahit isang milliong I phone pero mahirap ng magalit ang kapatid niyang napakamatampuhin.

“Oh shit…” Huli na ng matapakan niya ang preno ng kanyang sasakyan.
Mabilis siyang bumaba para tulungan ang lalaking kanyang nasagasaan.
Asar naman oh. Bakit ganito ang mundo, maraming tanga. Kaya nga may pedestrian lane at may mga footbridges, pero ayun nakikipagpatintero pa rin sa mga sasakyan sa gitna ng highway.

“Bwisit talagang buhay to. Hay. Juan kelan ka ba titino. Bwisit na araw to.”

Nakita niya ang mukha ng lalaki. Medyo familiar sa kanya ito.

“Ano ba naman Nate, ngayon ka pa mag iisip kung kilala mo ang taong ito.” Mando niya sa sarili niya.

May dugo ito sa ulo. Natakot siya baka makapatay siya. Kahit di niya kasalanan tiyak na makukulong siya. Kahit isang araw lang na madetain siya sa isang kulungan, dadalhin niya ang kahihiyan na yun habang siya ay nabubuhay kahit ata til death. At ayaw niyang maging parte ulit ng isang aksidente na kikitil ng buhay.

Mabilis niya itong isinakay sa kotse at matulin niyang pinaharurot ang sasakyan. Please don’t die. Please….

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Doc, kumusta siya?”

“He’s fine Mr. El Greco. Nagkamalay na rin siya. Hindi naman nagrabe yung tama niya sa ulo. Pwede na siyang idischarge.”

“Thanks. Sige Doc puntahan ko lang siya.”

“Mr. El Greco, gusto ko lang itanong, kaano ano mo ba si Mr. RJ Humphrey?” pag uusisa ng doctor.

“Wala po doc. Bakit po?” nagtatakang tanong ni Nate.

“I just wanna warn you. Beware of him.”

Laking pagtataka ni Nate sa inasal ng Doctor. Iniisip niya bang may relasyon kami ng lalaking binundol este nabundol at sinagip niya? Iniisip ba ng Doctor na yun na bakla siya?. I had enough for the day. Napailing na lang siya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

RJ

“Sakit ng ulo ko.” Daing ko sa aking sarili.

Naluha at naawa na lang ako sa aking sarili. Masyado lang akong gago sa pag aakalang mapapatawad ako at magkakabalikan kami ni Karl. Akala ko nakamove on na ko pero hinahanap hanap ko pa rin siya.

Ang buong akala kasi ni Karl ginago ko siya. Pero kung alam niya lang kung sino ang may pakana ng lahat – kung bakit ako naroon sa party na yun at kung bakit bigla na lang akong nawalan ng malay at nagising na lang kasama ng isang lalaki, hubo’t hubad.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagising na lang ako sa ingay.

“Karl” bigla kong tugon. Natulala ako sa reaksiyon nito. Galit na galit ang mukha nito. Kahit ata ako di ko kayang ipinta ang napakkagwapo nitong mukha na nagtransform at naging si “Beast” sa Beauty and the Beast.

“How could you?” galit na tanong nito habang hawak hawak nito ang lalaking putok ang labi.

“What?!? Anong pinagsasabi mo? At sino ang lalaking yan?” hysterical kong tanong rito.

“Don’t fool me Jay. Nakita kong lahat. Nakita ko kung pano ka halikan ng lalaking to.” Galit na sabi nito.

Bigla kong naalala ang lahat.

“Karl, makinig ka. Hindi ko kilala ang lalaking yan.”

“Shut up!” putol nito. “ From now on ayaw na kitang makita. Do you understand?

Dagliang umalis ito at narining ko na lang ang malakas na pagsara ng pinto. Akmang titindig na sana ako ng maramdaman kong wala akong saplot. Tiningnan ko ng masama ang lalaki at tinanong ko ito.

“Tell me, sila ba may pakana nito?” pasigaw kong tanong dito. “Sabihin mo. Magsalita ka!” Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking luha.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Simula noon. Di ko na makausap si Karl. I tried to win him back. I even followed him. Para na nga kong hayop na buntot ng buntot sa kanyang amo.

At last, nagkipag usap siya sakin sa Covered courts sa UP pero dahil maraming tao dun sinabi niyang sa may overpass na lang kami magkita. Kitang kita ko pa rin ang galit nito. Di na nakareact ang kagwapuhan ko ng biglang itinapon nito sa gitna ng kalsada ang bagay na ibinigay ko sa kanya nung birthday niya.

Tumalikod ito at umalis. Napako ang aking mga paa sa overpass na yun at nakita ko na lang na wasak na wasak na ito dahil sa sunud sunod na sasakyang dumaan sa highway na yun. Di ko alam pero kung ano nangyai sa aking sarili at gusto ko pang magpaka hero at lulunin ang bato at sumigaw ng “DARNA” o “SUPERMAN.” Baduy. Pero ayun daig ko pa si FLASH sa mabilis kong pagtakbo para mailigtas ang relong pinagipunan ko para lang kay Karl.

Sabi nga nila, bawat superhero may kahinaan. Kaya ayun nabunggo ako. Buti na lang at buhay pa ko. Kelangan malaman ni Karl ang totoo.

“Hindi nga naniniwala di ba! Bruha ka. Tama ng pagkakamartyr yan! Marami pang iba diyan! Tulad na lang ni Piolo, ni Sam, ni John Lloyd, ay hindi pala si John Lloyd di mo pala yun trip. O kaya malay mo pagbukas ng pinto ay iluwa niyan ang man of your dreams” Pagpapaalala sakin ng baliw kong alter ego.

“Are you nuts?” ng bigla kong narealize sarili ko pala pinagsasabihan ko. “Am I?”

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mala Adonis na…

“Teka. Teka. Teka. Ikaw? Anong ginagawa mo rito ha?” Singhal ko rito.

Naisip ko ang sinabi ng utal ko. No. Hindi yan pwedeng damuhong yan. Di siya papasa sa panlasa ko.

“Pagkaen? Bulalas ng isip ko. Loka. Choosy ka pa. Ako ang utak mo kaya alam ko tinatakbo niyan.”

“Tumigil ka nga!” saway ko sa sarili ko.

“Ganyan ba ang pakikitungo mo sa nagsagip sayo?” maangas na sagot nito.
“FYI. Sabi ni Doc Mike sakin. Ang taong sumagip sakin ay siya ring bumundol sakin.” Tameme ito.

“FYI din Mr…. whoever you are. My name is Nate. We haven’t met each other so please wag kang maghusga. Sino bang may kasalanan kung bakit ka nabunggo? Di ba ikaw? Kasi alam mo naming bawal tumawid dun tumawid ka. Pasalamat ka tinulungan pa kita.” Sagot nito.

“Antipatiko ka talaga.” “Hmp.”

Bigla kong narealize. “Yung relo ko nasan?” tanong niya rito.

“Yung sirang relo? Ayon sa Commonwealth Avenue pinagpipiyestahan ng maraming sasakyan.” Sagot nito.

Bigla siyang nanahimik. Siguro nga hindi na talaga kami magkakabalikan ni Karl. Napaluha na lang siya sa ideyang yun.

Bigla kong naisip tama ito. “Sorry. Salamat sa pagdala mo sa hospital na ito.”

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nate

Narinig niyang humingi ng sorry ang lalaking nasa harap niya.

“Sorry” ulit nito.

Tiningnan niya ang mukha nito. Kung kanina parang tigre ito na sasakmalin siya anumang oras. Ngayon para na itong pusa na napaka amo. Biglang lumungkot ang mukha nito. Nakayuko ito. At nakita niya na lang na may luhang tumutulo dito. Naawa naman siya rito.

“Come on Nate. He must have some problem” bulong niya sa sarili niya.

“Hey tumutulo ang sipon mo. Mahiya ka naman” Oooops. Biglang nagtransform ulit ito sa pagiging tigre. Hindi niya alam kung bakit nasabi niya iyon. Lumapit ito sa kanya. Buong akala niya susuntukin siya nito pero laking gulat niya ng magpasalamat ito.

Nakita niya ito ng malapitan. Maganda ang mga mata nito. Kulay gray. Very transparent. Isang tingin niya lang dito alam niyang napakalungot ito.

“RJ, right?”                                                     

“Oo. Bakit?” tipid nitong tugon.

“Kilala mo ba si Doc Mike?” tanong ko.

“Yes. He’s my ex-boyfriend’s brother.” Walang pag atubiling sagot nito.

“You’re gay?”Gulantang na tanong ko.

“I understand kung ganyan ka magreact. Kung parents ko nga di ako matanggap. Ikaw pa?” Nakangiting sabi nito. Per bakas sa mukha nito ang lungkot.

“Sorry kung na offend kita. I am not homophobic. It’s just that you don’t look gay.” Pagpapaliwanag nito.

“It’s ok.” Tipid na pahayag nito.

May tumunog na phone.

Ang cell phone na nasa bulsa niya ang tumutunog. Tiningnan niya ang phone. Alechzander calling...? Wala ata siyang kilalang taong ganun ang pangalan. Ay! Oo nga pala kay RJ ang phone na to. “I guess this is your phone.”

Tiningnan siya nito. Kinuha sa kanya ang phone. At sinagot nito.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

RJ

“Where the hell are you?” sigaw ng kuya niya nasa kabilang linya.

Συνάντησα ένα ατύχημα, ο αδελφός. Αλλά πριν σας σκοτώσουν εμένα, έκπληξη! Είμαι ζωντανός.” Pabalang na sagot ko sa kapatid ko. Sinadya kong magsalita ng Greek na ibig sabihin ay “I met an accident, Brother. But before you kill me, Surprise! i still am alive.” para di ako maintindihan ng Mokong na to na nasa harap ko na sobrang gwapo na gusto kong idikdik ang mukha sa sobrang kakapalan ng mukha.

Nakita niyang nakakunot ang mukha ni Nate.  Hahaha. Poor macho gwapitong loko loko. Hahaha.

Kala mo ha. Makakabawi rin ako sa ginawa mo sakin na pagpapahiya sa madlang people. Isip isip ko. Hay sana ako si Merlin para mapoweran ko ang lalaking to.

“Are you hurt? Where are you? Are you still in a hospital? What hospital? I am going there.” Pag alala nito sa salitang Greek.

“I am fine. You don’t have to go here. See you at the Condo. You will be the one to carry all our things. We will not help you since it’s what you like - for me to stay with you. Bye  bye Big Bro. Mwah. I still have to knock the monster in front of me.” Pinutol ko na agad ang usapan namin.

“What?” Tanong niya sa tulalang anghel este demonyo sa harapan niya.” Naasar lalo siya ng ngumiti ito. Nakita na naman niya ang napakagandang ngipin nito.

“Who is the monster?” tanong nito.

“Anong pinagsasabi mo?” Pagtataka niya.

Μπορώ να κατανοώ σίγουρα Ελληνική.” Pagmamayabang nito.

Nagulat ako siyempre. “Eh talagang monster ka sa buhay ko.”

“Kelan pa ko naging monster sa buhay mo? Aber? Eh ngayon lang tayo nagkakilala. At tsaka may monster ban a gwapo?” wika nito.

“Kapal. Remember. Nung nasa Glorietta ako two weeks ago. Pakindat kindat ka pang nalalaman.” Pagmamarkulyo ko.

“You are that guy?” gulat na gulat ito.

Yeah bitch. Kung di lang ito gwapo, sinuntok na niya ito hanggang sa magdugo ang buong pagmumukha nito. Buti na lang at isa akong artist. At naniniwala ako ang kagwapuhang taglay nito ay dapat idinidikit sa canvass habambuhay hanggang sa mamatay ito. Hahaha!.

“Yes. Ako lang naman ang pinahiya mo sa harap ng sandamakmak na tao.” Sagot ko rito.

“I didn’t mean to offend you. I just found you cute that time. Well, honestly you look handsomer this time.” Sabi nito.

Nabigla siya. Bakla nga ito. Walang lalaking ganun magsalita. Yung nakaka appreciate ng kagandahan ng isang bagay. Tsaka ano raw, he found me cute two weeks ago? Eh Nerdy nerdy ang dating ko nun.

Natawa ito. “Maaaring iniisip mo na bading ako no? Haha. Look. Aside from being an entrepreneur, photographer din ako kaya alam ko kung gwapo o pangit ang tao. Naghihinayang nga ko nun ng di kita mapicturan. But then here you are.” Sinserong pagpapaliwanag nito.

“Ah ok. Fine.” Sagot niya rito.

“Sayang ulam na sana. Naging bato pa.” Paghihinayang ng kanyang kontrabidang utak. Sang ayon din naman ako.

Well. Kelangan ko ng tanggapin na wala na ko sa buhay ni Karl. Ginawa ko ng lahat para imulat siya sa katotohanan.

“Hey RJ are you thinking of making this guy a panakip butas?” pag tataglish ng utak niya

Nope. He’s a guy. Definitely not. But I want him at my canvass. Good heavens. May naisip siyang plano para pumayag ito.


J


WANTED: Perfect Boyfriend 2


Thanks to Remina Plomos for reading my story. It's nice to know that some people know how to appreciate an art. Cheers to 2013. I know You and Marc are meant to be kaso mas meant to be kami ni Marc! hehehe

Share ko na lang din. Grabe nung pauwi ako from Calamba, sumakay ako sa Turbina papuntang Star Mall sa Alabang. Tumabi ako sa isang guy. Nakasalamin. Gwapo as in Hot. E ako since pagod, di ko pinansin. Eto pa, dahil sa kapaguran ko nakatulog ako at di ko namalayan nakasandal na pala ko sa kaliwang shoulder niya. Wah, nagsorry na lang ako. Ng dumating ako sa Star Mall, Nakita ko yung guy tumitingin sakin kahit medyo malayo layo na ko. I dunno. I know ako ang tinitingnan niya. So tiningnan ko rin. Siguro gusto niya akong kausapin pero si siya sanay makipag usap. Anyway, kahit gano ka pa kagwapo if we're meant to be then we're meant to be. Gagawa si Mr. Destiny ng paraan para magkita kami uli.

And there it is, Have fun reading. :)
















RJ Humphrey/Hjottenberg
Age: 22 at sana wag ng tumaas pa.
Height: 5'6'' pero sana tumaas pa. Nagchecherefer naman ako gabi gabi eh.
Sex: Lalaking nagkakagusto sa lalaki. Hehe
Profession: Accountant/Pintor/Professor
Most attractive part of the body: My eyes. Pero mas gusto kong naka contacts ng brown.
What do you want 5 years from now?: Baby. as in anak.

Gwapo. Gray eyes. Matangos ang ilong. Kissable lips. Sa unang tingin at maging sa pangalawa di mo aakalaing gay kasi pormal at desente. Isang taong labis nagmahal at labis na nasaktan. Umaasang magkakabalikan sila ng ex-jowa niya. "In his dreams."





















Karl Moreno
Age: 26
Height: 5'11''
Sex: Gay after I fell in love with RJ 
Profession: Professor
Most attractive part of the body: My lips. Masarap ako humalik.
What do you want 5 years from now?: I want to marry RJ.
Gwapo. Moreno. Super sexy. Kahit sino maaakit sa unang tingin pati siguro sa mga susunod na tingin. Palikero pero nung mainlab kay RJ, hindi na pumatol kahit sino. Pero gumuho ang mundo ng lokohin siya ni RJ. At least yun ang alam niya.




















Nathan El Greco
Age: 25. 
Height: 5'10''
Sex: Straight and will never be gay. 
Prpfession: Entrepreneur and Photorapher
Mosty attractive part of the body: Lahat ng parte ng katawan ko. Angal?
What do you want 5 years from now?: Have a kid. I dont want to marry anyone anymore.
Gwapo. Matangos ang ilong. Hazel color ang eyes. Kissable lips. Athletic built. Artistahin. Maraming naiinlove mapababae man o mapa miyembro ng third sex. Nathan El Greco

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 2

“Nababaliw ka na talaga friend. As in nagpapublish ka talaga sa Philippine Daily Inquirer, Philippine Star at Manila Bulletin?” sigaw ng kaibigan ko sakin.

“Yep.” Tipid kong sagot dito.

“Baliw. Sayang ng perang ginastos mo. Pinaglibre mo na sana sakin yun sa Jollibee.” Natatawang sambit nito.

“Kahit kelan talaga friend ang cheap cheap mo.” Alaska ko rito.

“Haha. Look who’s talking!” balik nito sakin.

Nagkatinginan na lang kami at sabay nagtawanan.

“Tsaka meron na bang nagtext at tumawag? Tanong nito.

“Meron naman pumatol sa ad ko. Pero lahat joke joke lang.”

“Kriiiiiiiiiiiiiing!” walang tigil na pag tunog na cellphone ko.

“Bakit di mo sinasagot? Baka yan na ang boyfriend mong matagal mo ng hinahanap. Haha”  walang humpay sa katatawa nito.

Biglang hinablot nito ang phone ko. “Gaga. Kapatid ko tumatawag.”

“Si Lance?”

“No si Kuya Alechzander.”

“Kelan pa?” tanong nito.

“Remember nun? Nung nasa korte tayo? At yung tumatawag ako sayo kasi may kumidnap sakin. Siya ang kumidnap sakin nun. Utos daw ng Lolo. Sabi ko sa kanya if kapag ibinalik niya ko sa Greece, magpapakamatay ako. Hahaha. E natakot siya. Kaya ayun hinayaan niya na lang ako. But he gave me a condition, he would be staying here in the Philippines with me. Nalaman niya rin kasi ang lahat lahat. Pati yung tungkol sa pakagat sakin ng ipis alam niya.”

“Natawa ito. Ayaw mo nun? Magkakasama na kayo ng kapatid mo. Di ba kwento mo sakin ang Kuya Alechzander at Kuya Liam mo ay mahal na mahal ka. So anong problema?” pagtataka nito.

“I can’t be with him. Ayaw ko magkaroon ng security este bodyguard no. Daeg pa nun ang aso kung magbantay.” Tsaka di ba, ako na si RJ Humphrey. Wala na si Rayven John Hjottenberg.

“Magpapalit ka naman ng pangalan eh parehas pang initials. Hahaha” Natatawa nitong pambabara sakin.

“Kasalanan ko ba yun? Eh yun agad pumasok sa isip kong pangalan nung tanungin ako ni Nanay Mikaela ng pangalan ko nun. Sumalangit nawa.” Pagrarason ko rito.

“Nakakamiss din si Nay Mikaela no?” sabi nito.

“Oo nga eh.” Pag sang-ayon ko.

“Kumusta pala ang paghahanap mo sa tatay tatayan mo?”  tanong nito.

“Tinta-try ko pa ring kontakin si tatay pero di ko talaga makontak. Ang daming Humphreys sa balat ng Amerika. Kawawa naman tuloy ang baby brother ko.” Bigla ko tuloy naisip. “Hoy bestpren speaking of my brother Lance, ok lang ba talaga sayong dito siya tumira?”

Si Lance ang anak ni Nanay Mikaela. Limang taon ang tanda ko rito. Ako ang nagpapa aral dito. Simula kasi ng mamatay si Nay Mikaela tatlong taon na ang nakakaraan, walang kahit sinong kapamilya nito ang umako ng responsibilidad ng pag aalaga samin. Kaya lakas loob kong tinaguyod ang pamilya naming para mabuhay kaming dalawa ng kapatid ko.

“Oo naman no. Mabait naman ang kapatid mong yun.”

Tumunog ulit ang cp ko. This time ibang numero ang nasa screen nito.

Hmp? Sino kaya to?  Baka si Kuya Alechz lang to. I pressed the accept call button. “Kuya Alechz please lang sinabi ko ng....”

“It’s me Karl.” Pagpapakilala ng nasa kabilang linya.

Nakilala ko ang boses na nasa kabilang linya. Boses ito ng lalaking tatlong buwan niya ng di nakakausap. Tatlong buwan niyang ini-istalk para lang kausapin siya. Tatlong buwang pinagdadasalan niya ng santo rosaryo at pagluhod luhod sa mga puon para lang magparamdam sa kanya. Tatlong buwang pagtulo ng kanyang luha.

“Drama mo tsong!” pangbabara sa kanya ng kontrabida niyang utak.

“Karl, ikaw ba talaga yan?” tanong ko rito.

“Ay hindi. Hindi siya si Karl!” pilosopong sagot ng kanyang utak.

“Tumigil ka nga, excited ka rin tulad ko so better shut your... hay wala ka pang mouth!”

“Let’s meet tomorrow. Dito sa may UP. 5pm. Sa may Covered Courts.” Sabi nito.

“Ah. Ok. Sige. I’ll be there. Karl. I miss...” sasabihin niya sana na miss niya ito pero biglang naputol ang kabilang linya.

Tiningnan niya si Tin. “Siguro, nalowbat lang siya.”

Kibit balikat nito. “O siya bestpren tulog ka na. At magkikita pa pala kayo ng Jowaers mo. At remember first day mo sa work bukas. Professor RJ.” Pag papa alala nito.

“Ay oo nga pala no. Hehe. Muntik ko ng makalimutan. O siya bestpren. Taas na rin ako.”

“Night bestpren Tin. I’m gonna dream of Baby G.” Biro ko rito.

“Hahahaha.” Tawa nito. “Night bes. Im gonna dream of Baby Karl and kill him!”

“Wag naman ganun bestpren.” Sabi ko rito.

O siya sige. Night. Mwah mwah tsup tsup.” Ginagaya pa nito si DJ Cha cha.

Di matapos tapos ang tawa ko sa ginawang iyon ni Tin. Nakahiga na siya. Hindi pa rin siya makatulog. Iniisp ko pa rin kung anong pag uusapan naming ni Karl bukas. Siguro makikipag balikan siya. Siguro narealize niya na totoo ang mga sinabi ko sa kanya. Siguro narealize niya na  mahal na mahal ko pa rin siya. Im so excited!

Tumunog ulit ang phone niya. Akala niya si Karl ito pero si Kuya Alechz pala.

“I have been calling you. Why are you not answering the phone?” tanong nito.

Hindi ito marunong magtagalog. “Sorry Big Brother. I was just busy the whole day. What’s up?”

“Rayven, I told you if you’re not going with me back in Greece and you wanna stay here in the Philippines, you better live with me or Dad and Mom will force you...”

“They can’t do that.” Putol ko rito.

“Well, you know Dad better than anyone.” Sabi nito.

Tama ito. Mabait naman talaga ang parents niya. In fact siya ang baby ng pamilya at lahat ng gustuhin niya ibinibigay ng mga ito. Kaso simula ng ipagtapat niya sa Dad at Mom niya na nagkakagusto siya sa lalaki. Naka martial law ang bahay nila until sa maisipan kong mag escapo. O di ba parang Ninoy Aquino lang ang peg ko.

“If i do live with you, can my brother Lance and my bestfriend Tin join us?” tanong ko rito.

“Rayve?” Hindi ako sumagot dito. “Ok fine, If that’s what you want. Since Rashid told me it’s not practical for you to be living in Tagaytay and working in Quezon City, I have found a unit in QC, well just enough for four people.”

Aba’t takte. Planado na nito lahat. Bwisit talagang kapatid kong ito. At pano nito nalaman na sa QC na siya nagwowork? May nagmamanman ba sa kanya?

“Big Brother Alechzander John Hjottenberg! Is someone stalking me? Did you hire someone to look after me? Huh?”

“Rayve, Don’t get mad at me. I just want to be sure you’re safe. Ok.”

“I’m not a baby anymore. No one will kidnap me okay.” Naalala niya nung 5 years old ako. Kinidnap ako ng mga lalaking adik. At simula nun naging over protective ang dalawa kong kapatid sakin. “Plus, im not a Hjottenberg anymore.”

“I promise. After we transfer in QC, i will fire the guy. Promise.” Pagpapromise nito. “Don’t say you’re not a Hjottenberg. Look at yourself. You’re like a carbon copy of Dad.”

Hindi ako nagsalita. Nanatili akong tahimik.

“Rayven, Dad did not mean those things he had said to you before. He was so sorry when you left home and never came back. He loves you Rayve. If he hadn’t said sorry to you, it’s because he does not know how to talk to you after the bad things he told you.”

“Ok fine. Just tell me when. I will still inform my friend. Night.” Wika niya rito.

“Okay baby Rayven. I miss you a lot and i love you. Night. Call you tomorrow. Bye.”

Pepestehin niya pa ko tomorrow? Hay buhay. Pero ang totoo Masaya siyang nakita at nakausip muli ang kapatid niya. Siguro miss na miss niya na rin ito kaya pumayag na siya sa gusto nitong mangyari.

“Makatulog na nga at meron pa kong katagpuan bukas.”

Goodnight
J