Total Pageviews

Monday, January 7, 2013

WANTED: Perfect Boyfriend 2


Thanks to Remina Plomos for reading my story. It's nice to know that some people know how to appreciate an art. Cheers to 2013. I know You and Marc are meant to be kaso mas meant to be kami ni Marc! hehehe

Share ko na lang din. Grabe nung pauwi ako from Calamba, sumakay ako sa Turbina papuntang Star Mall sa Alabang. Tumabi ako sa isang guy. Nakasalamin. Gwapo as in Hot. E ako since pagod, di ko pinansin. Eto pa, dahil sa kapaguran ko nakatulog ako at di ko namalayan nakasandal na pala ko sa kaliwang shoulder niya. Wah, nagsorry na lang ako. Ng dumating ako sa Star Mall, Nakita ko yung guy tumitingin sakin kahit medyo malayo layo na ko. I dunno. I know ako ang tinitingnan niya. So tiningnan ko rin. Siguro gusto niya akong kausapin pero si siya sanay makipag usap. Anyway, kahit gano ka pa kagwapo if we're meant to be then we're meant to be. Gagawa si Mr. Destiny ng paraan para magkita kami uli.

And there it is, Have fun reading. :)
















RJ Humphrey/Hjottenberg
Age: 22 at sana wag ng tumaas pa.
Height: 5'6'' pero sana tumaas pa. Nagchecherefer naman ako gabi gabi eh.
Sex: Lalaking nagkakagusto sa lalaki. Hehe
Profession: Accountant/Pintor/Professor
Most attractive part of the body: My eyes. Pero mas gusto kong naka contacts ng brown.
What do you want 5 years from now?: Baby. as in anak.

Gwapo. Gray eyes. Matangos ang ilong. Kissable lips. Sa unang tingin at maging sa pangalawa di mo aakalaing gay kasi pormal at desente. Isang taong labis nagmahal at labis na nasaktan. Umaasang magkakabalikan sila ng ex-jowa niya. "In his dreams."





















Karl Moreno
Age: 26
Height: 5'11''
Sex: Gay after I fell in love with RJ 
Profession: Professor
Most attractive part of the body: My lips. Masarap ako humalik.
What do you want 5 years from now?: I want to marry RJ.
Gwapo. Moreno. Super sexy. Kahit sino maaakit sa unang tingin pati siguro sa mga susunod na tingin. Palikero pero nung mainlab kay RJ, hindi na pumatol kahit sino. Pero gumuho ang mundo ng lokohin siya ni RJ. At least yun ang alam niya.




















Nathan El Greco
Age: 25. 
Height: 5'10''
Sex: Straight and will never be gay. 
Prpfession: Entrepreneur and Photorapher
Mosty attractive part of the body: Lahat ng parte ng katawan ko. Angal?
What do you want 5 years from now?: Have a kid. I dont want to marry anyone anymore.
Gwapo. Matangos ang ilong. Hazel color ang eyes. Kissable lips. Athletic built. Artistahin. Maraming naiinlove mapababae man o mapa miyembro ng third sex. Nathan El Greco

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 2

“Nababaliw ka na talaga friend. As in nagpapublish ka talaga sa Philippine Daily Inquirer, Philippine Star at Manila Bulletin?” sigaw ng kaibigan ko sakin.

“Yep.” Tipid kong sagot dito.

“Baliw. Sayang ng perang ginastos mo. Pinaglibre mo na sana sakin yun sa Jollibee.” Natatawang sambit nito.

“Kahit kelan talaga friend ang cheap cheap mo.” Alaska ko rito.

“Haha. Look who’s talking!” balik nito sakin.

Nagkatinginan na lang kami at sabay nagtawanan.

“Tsaka meron na bang nagtext at tumawag? Tanong nito.

“Meron naman pumatol sa ad ko. Pero lahat joke joke lang.”

“Kriiiiiiiiiiiiiing!” walang tigil na pag tunog na cellphone ko.

“Bakit di mo sinasagot? Baka yan na ang boyfriend mong matagal mo ng hinahanap. Haha”  walang humpay sa katatawa nito.

Biglang hinablot nito ang phone ko. “Gaga. Kapatid ko tumatawag.”

“Si Lance?”

“No si Kuya Alechzander.”

“Kelan pa?” tanong nito.

“Remember nun? Nung nasa korte tayo? At yung tumatawag ako sayo kasi may kumidnap sakin. Siya ang kumidnap sakin nun. Utos daw ng Lolo. Sabi ko sa kanya if kapag ibinalik niya ko sa Greece, magpapakamatay ako. Hahaha. E natakot siya. Kaya ayun hinayaan niya na lang ako. But he gave me a condition, he would be staying here in the Philippines with me. Nalaman niya rin kasi ang lahat lahat. Pati yung tungkol sa pakagat sakin ng ipis alam niya.”

“Natawa ito. Ayaw mo nun? Magkakasama na kayo ng kapatid mo. Di ba kwento mo sakin ang Kuya Alechzander at Kuya Liam mo ay mahal na mahal ka. So anong problema?” pagtataka nito.

“I can’t be with him. Ayaw ko magkaroon ng security este bodyguard no. Daeg pa nun ang aso kung magbantay.” Tsaka di ba, ako na si RJ Humphrey. Wala na si Rayven John Hjottenberg.

“Magpapalit ka naman ng pangalan eh parehas pang initials. Hahaha” Natatawa nitong pambabara sakin.

“Kasalanan ko ba yun? Eh yun agad pumasok sa isip kong pangalan nung tanungin ako ni Nanay Mikaela ng pangalan ko nun. Sumalangit nawa.” Pagrarason ko rito.

“Nakakamiss din si Nay Mikaela no?” sabi nito.

“Oo nga eh.” Pag sang-ayon ko.

“Kumusta pala ang paghahanap mo sa tatay tatayan mo?”  tanong nito.

“Tinta-try ko pa ring kontakin si tatay pero di ko talaga makontak. Ang daming Humphreys sa balat ng Amerika. Kawawa naman tuloy ang baby brother ko.” Bigla ko tuloy naisip. “Hoy bestpren speaking of my brother Lance, ok lang ba talaga sayong dito siya tumira?”

Si Lance ang anak ni Nanay Mikaela. Limang taon ang tanda ko rito. Ako ang nagpapa aral dito. Simula kasi ng mamatay si Nay Mikaela tatlong taon na ang nakakaraan, walang kahit sinong kapamilya nito ang umako ng responsibilidad ng pag aalaga samin. Kaya lakas loob kong tinaguyod ang pamilya naming para mabuhay kaming dalawa ng kapatid ko.

“Oo naman no. Mabait naman ang kapatid mong yun.”

Tumunog ulit ang cp ko. This time ibang numero ang nasa screen nito.

Hmp? Sino kaya to?  Baka si Kuya Alechz lang to. I pressed the accept call button. “Kuya Alechz please lang sinabi ko ng....”

“It’s me Karl.” Pagpapakilala ng nasa kabilang linya.

Nakilala ko ang boses na nasa kabilang linya. Boses ito ng lalaking tatlong buwan niya ng di nakakausap. Tatlong buwan niyang ini-istalk para lang kausapin siya. Tatlong buwang pinagdadasalan niya ng santo rosaryo at pagluhod luhod sa mga puon para lang magparamdam sa kanya. Tatlong buwang pagtulo ng kanyang luha.

“Drama mo tsong!” pangbabara sa kanya ng kontrabida niyang utak.

“Karl, ikaw ba talaga yan?” tanong ko rito.

“Ay hindi. Hindi siya si Karl!” pilosopong sagot ng kanyang utak.

“Tumigil ka nga, excited ka rin tulad ko so better shut your... hay wala ka pang mouth!”

“Let’s meet tomorrow. Dito sa may UP. 5pm. Sa may Covered Courts.” Sabi nito.

“Ah. Ok. Sige. I’ll be there. Karl. I miss...” sasabihin niya sana na miss niya ito pero biglang naputol ang kabilang linya.

Tiningnan niya si Tin. “Siguro, nalowbat lang siya.”

Kibit balikat nito. “O siya bestpren tulog ka na. At magkikita pa pala kayo ng Jowaers mo. At remember first day mo sa work bukas. Professor RJ.” Pag papa alala nito.

“Ay oo nga pala no. Hehe. Muntik ko ng makalimutan. O siya bestpren. Taas na rin ako.”

“Night bestpren Tin. I’m gonna dream of Baby G.” Biro ko rito.

“Hahahaha.” Tawa nito. “Night bes. Im gonna dream of Baby Karl and kill him!”

“Wag naman ganun bestpren.” Sabi ko rito.

O siya sige. Night. Mwah mwah tsup tsup.” Ginagaya pa nito si DJ Cha cha.

Di matapos tapos ang tawa ko sa ginawang iyon ni Tin. Nakahiga na siya. Hindi pa rin siya makatulog. Iniisp ko pa rin kung anong pag uusapan naming ni Karl bukas. Siguro makikipag balikan siya. Siguro narealize niya na totoo ang mga sinabi ko sa kanya. Siguro narealize niya na  mahal na mahal ko pa rin siya. Im so excited!

Tumunog ulit ang phone niya. Akala niya si Karl ito pero si Kuya Alechz pala.

“I have been calling you. Why are you not answering the phone?” tanong nito.

Hindi ito marunong magtagalog. “Sorry Big Brother. I was just busy the whole day. What’s up?”

“Rayven, I told you if you’re not going with me back in Greece and you wanna stay here in the Philippines, you better live with me or Dad and Mom will force you...”

“They can’t do that.” Putol ko rito.

“Well, you know Dad better than anyone.” Sabi nito.

Tama ito. Mabait naman talaga ang parents niya. In fact siya ang baby ng pamilya at lahat ng gustuhin niya ibinibigay ng mga ito. Kaso simula ng ipagtapat niya sa Dad at Mom niya na nagkakagusto siya sa lalaki. Naka martial law ang bahay nila until sa maisipan kong mag escapo. O di ba parang Ninoy Aquino lang ang peg ko.

“If i do live with you, can my brother Lance and my bestfriend Tin join us?” tanong ko rito.

“Rayve?” Hindi ako sumagot dito. “Ok fine, If that’s what you want. Since Rashid told me it’s not practical for you to be living in Tagaytay and working in Quezon City, I have found a unit in QC, well just enough for four people.”

Aba’t takte. Planado na nito lahat. Bwisit talagang kapatid kong ito. At pano nito nalaman na sa QC na siya nagwowork? May nagmamanman ba sa kanya?

“Big Brother Alechzander John Hjottenberg! Is someone stalking me? Did you hire someone to look after me? Huh?”

“Rayve, Don’t get mad at me. I just want to be sure you’re safe. Ok.”

“I’m not a baby anymore. No one will kidnap me okay.” Naalala niya nung 5 years old ako. Kinidnap ako ng mga lalaking adik. At simula nun naging over protective ang dalawa kong kapatid sakin. “Plus, im not a Hjottenberg anymore.”

“I promise. After we transfer in QC, i will fire the guy. Promise.” Pagpapromise nito. “Don’t say you’re not a Hjottenberg. Look at yourself. You’re like a carbon copy of Dad.”

Hindi ako nagsalita. Nanatili akong tahimik.

“Rayven, Dad did not mean those things he had said to you before. He was so sorry when you left home and never came back. He loves you Rayve. If he hadn’t said sorry to you, it’s because he does not know how to talk to you after the bad things he told you.”

“Ok fine. Just tell me when. I will still inform my friend. Night.” Wika niya rito.

“Okay baby Rayven. I miss you a lot and i love you. Night. Call you tomorrow. Bye.”

Pepestehin niya pa ko tomorrow? Hay buhay. Pero ang totoo Masaya siyang nakita at nakausip muli ang kapatid niya. Siguro miss na miss niya na rin ito kaya pumayag na siya sa gusto nitong mangyari.

“Makatulog na nga at meron pa kong katagpuan bukas.”

Goodnight
J

No comments:

Post a Comment