Gusto kong pasalamatan si Anabel sa pag react sa aking post sa fb regarding my story. Hala kahit sino pasasalamatan ko na. Sa future readers thanks. Writer lang ang peg. Mag artista na lang ako. Kapagod magsulat eh. Hihi.
Lemme quote a new saying, "Ang mga bading hinding hindi mauubos pero ang mga straight konti na lang!" hoho. Ako straight ako. I swear. Lalaki ako na may gusto sa lalaki. Papalag ka pa?
Enjoy reading :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 3
Nathaniel Montreal El Greco
“Damn it. Can you please stop calling me?!?” Singhal ni Nate sa kausap
niya sa phone habang nagmamaneho pauwi sa kanyang Condong tinutuluyan. Galing
kasi siya sa isang branch ng kanyang Coffee Shop sa Quezon City.
“Look. Blair. We’re done. After what you did to me, you think I’ll
still forgive you? Oh come on. Don’t give me a damn. You can have sex with
anyone you want for all I care. Adios!” Pagtatapos ni Nate sa ex girlfriend
niya.
Napabuntong hininga na lang siya. Minahal niya ito ng sobra. Binigay
niya lahat dito. Pero anong ginawa ng babaeng akala niya ay magiging kasama
niya pang habang buhay? Nahuli niya lang naman itong nakikipag talik sa
bestfriend nito.
“Bwisit. Move on Nate. She does not deserve you.” Bulong niya sa sarili
niya.
Nakita niya ang diyaryo. Di pala siya nakapagbasa yesterday. Medyo
matrapik. Tiningnan niya ang classified ads kung naipublish nga ba ng diyaryo
yung work ad. Nangangailangan kasi siya ng accountant para sa business niya.
Nakita niyang meron. Pero bigla nangunot ang noo niya ng makita niya ang
nakapublish na.
WANTED:
Boypren
siyempre dapat kasing edad ko
walang kong datong kaya wag maghanap
ng sweldo
dapat gwapo
kahit di macho basta mamahalin ako
ng totoo.
At higit sa lahat HINDI mayaman.
Text or call me:
639XXXXXXXXX
Baliw na siguro ang nagpapublish nito.
Shit. Nahulog niya ang kanyang cell phone. Inabot niya ito habang
nagmamaneho. Pinakaiingatan niya ito kasi regalo ito sa kanya ng kanyang
nakababatang kapatid. Actually kaya naman niyang bumili kahit isang milliong I
phone pero mahirap ng magalit ang kapatid niyang napakamatampuhin.
“Oh shit…” Huli na ng matapakan niya ang preno ng kanyang sasakyan.
Mabilis siyang bumaba para tulungan ang lalaking kanyang nasagasaan.
Asar naman oh. Bakit ganito ang mundo, maraming tanga. Kaya nga may
pedestrian lane at may mga footbridges, pero ayun nakikipagpatintero pa rin sa
mga sasakyan sa gitna ng highway.
“Bwisit talagang buhay to. Hay. Juan kelan ka ba titino. Bwisit na araw
to.”
Nakita niya ang mukha ng lalaki. Medyo familiar sa kanya ito.
“Ano ba naman Nate, ngayon ka pa mag iisip kung kilala mo ang taong
ito.” Mando niya sa sarili niya.
May dugo ito sa ulo. Natakot siya baka makapatay siya. Kahit di niya
kasalanan tiyak na makukulong siya. Kahit isang araw lang na madetain siya sa
isang kulungan, dadalhin niya ang kahihiyan na yun habang siya ay nabubuhay
kahit ata til death. At ayaw niyang maging parte ulit ng isang aksidente na
kikitil ng buhay.
Mabilis niya itong isinakay sa kotse at matulin niyang pinaharurot ang
sasakyan. Please don’t die. Please….
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Doc, kumusta siya?”
“He’s fine Mr. El Greco. Nagkamalay na rin siya. Hindi naman nagrabe
yung tama niya sa ulo. Pwede na siyang idischarge.”
“Thanks. Sige Doc puntahan ko lang siya.”
“Mr. El Greco, gusto ko lang itanong, kaano ano mo ba si Mr. RJ Humphrey?”
pag uusisa ng doctor.
“Wala po doc. Bakit po?” nagtatakang tanong ni Nate.
“I just wanna warn you. Beware of him.”
Laking pagtataka ni Nate sa inasal ng Doctor. Iniisip niya bang may
relasyon kami ng lalaking binundol este nabundol at sinagip niya? Iniisip ba ng
Doctor na yun na bakla siya?. I had enough for the day. Napailing na lang siya.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
RJ
“Sakit ng ulo ko.” Daing ko sa aking sarili.
Naluha at naawa na lang ako sa aking sarili. Masyado lang akong gago sa
pag aakalang mapapatawad ako at magkakabalikan kami ni Karl. Akala ko nakamove
on na ko pero hinahanap hanap ko pa rin siya.
Ang buong akala kasi ni Karl ginago ko siya. Pero kung alam niya lang
kung sino ang may pakana ng lahat – kung bakit ako naroon sa party na yun at
kung bakit bigla na lang akong nawalan ng malay at nagising na lang kasama ng
isang lalaki, hubo’t hubad.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagising na lang ako sa ingay.
“Karl” bigla kong tugon. Natulala
ako sa reaksiyon nito. Galit na galit ang mukha nito. Kahit ata ako di ko
kayang ipinta ang napakkagwapo nitong mukha na nagtransform at naging si
“Beast” sa Beauty and the Beast.
“How could you?” galit na tanong
nito habang hawak hawak nito ang lalaking putok ang labi.
“What?!? Anong pinagsasabi mo? At
sino ang lalaking yan?” hysterical kong tanong rito.
“Don’t fool me Jay. Nakita kong
lahat. Nakita ko kung pano ka halikan ng lalaking to.” Galit na sabi nito.
Bigla kong naalala ang lahat.
“Karl, makinig ka. Hindi ko
kilala ang lalaking yan.”
“Shut up!” putol nito. “ From now
on ayaw na kitang makita. Do you understand?
Dagliang umalis ito at narining
ko na lang ang malakas na pagsara ng pinto. Akmang titindig na sana ako ng
maramdaman kong wala akong saplot. Tiningnan ko ng masama ang lalaki at
tinanong ko ito.
“Tell me, sila ba may pakana
nito?” pasigaw kong tanong dito. “Sabihin mo. Magsalita ka!” Naramdaman ko na
lang ang pagtulo ng aking luha.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Simula noon. Di ko na makausap si Karl. I tried to win him back. I even
followed him. Para na nga kong hayop na buntot ng buntot sa kanyang amo.
At last, nagkipag usap siya sakin sa Covered courts sa UP pero dahil
maraming tao dun sinabi niyang sa may overpass na lang kami magkita. Kitang
kita ko pa rin ang galit nito. Di na nakareact ang kagwapuhan ko ng biglang
itinapon nito sa gitna ng kalsada ang bagay na ibinigay ko sa kanya nung
birthday niya.
Tumalikod ito at umalis. Napako ang aking mga paa sa overpass na yun at
nakita ko na lang na wasak na wasak na ito dahil sa sunud sunod na sasakyang
dumaan sa highway na yun. Di ko alam pero kung ano nangyai sa aking sarili at
gusto ko pang magpaka hero at lulunin ang bato at sumigaw ng “DARNA” o
“SUPERMAN.” Baduy. Pero ayun daig ko pa si FLASH sa mabilis kong pagtakbo para
mailigtas ang relong pinagipunan ko para lang kay Karl.
Sabi nga nila, bawat superhero may kahinaan. Kaya ayun nabunggo ako.
Buti na lang at buhay pa ko. Kelangan malaman ni Karl ang totoo.
“Hindi nga naniniwala di ba! Bruha ka. Tama ng pagkakamartyr yan!
Marami pang iba diyan! Tulad na lang ni Piolo, ni Sam, ni John Lloyd, ay hindi
pala si John Lloyd di mo pala yun trip. O kaya malay mo pagbukas ng pinto ay
iluwa niyan ang man of your dreams” Pagpapaalala sakin ng baliw kong alter ego.
“Are you nuts?” ng bigla kong narealize sarili ko pala pinagsasabihan
ko. “Am I?”
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mala Adonis na…
“Teka. Teka. Teka. Ikaw? Anong ginagawa mo rito ha?” Singhal ko rito.
Naisip ko ang sinabi ng utal ko. No. Hindi yan pwedeng damuhong yan. Di
siya papasa sa panlasa ko.
“Pagkaen? Bulalas ng isip ko. Loka. Choosy ka pa. Ako ang utak mo kaya
alam ko tinatakbo niyan.”
“Tumigil ka nga!” saway ko sa sarili ko.
“Ganyan ba ang pakikitungo mo sa nagsagip sayo?” maangas na sagot nito.
“FYI. Sabi ni Doc Mike sakin. Ang taong sumagip sakin ay siya ring
bumundol sakin.” Tameme ito.
“FYI din Mr…. whoever you are. My name is Nate. We haven’t met each
other so please wag kang maghusga. Sino bang may kasalanan kung bakit ka
nabunggo? Di ba ikaw? Kasi alam mo naming bawal tumawid dun tumawid ka.
Pasalamat ka tinulungan pa kita.” Sagot nito.
“Antipatiko ka talaga.” “Hmp.”
Bigla kong narealize. “Yung relo ko nasan?” tanong niya rito.
“Yung sirang relo? Ayon sa Commonwealth Avenue pinagpipiyestahan ng
maraming sasakyan.” Sagot nito.
Bigla siyang nanahimik. Siguro nga hindi na talaga kami magkakabalikan
ni Karl. Napaluha na lang siya sa ideyang yun.
Bigla kong naisip tama ito. “Sorry. Salamat sa pagdala mo sa hospital
na ito.”
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nate
Narinig niyang humingi ng sorry ang lalaking nasa harap niya.
“Sorry” ulit nito.
Tiningnan niya ang mukha nito. Kung kanina parang tigre ito na
sasakmalin siya anumang oras. Ngayon para na itong pusa na napaka amo. Biglang
lumungkot ang mukha nito. Nakayuko ito. At nakita niya na lang na may luhang
tumutulo dito. Naawa naman siya rito.
“Come on Nate. He must have some problem” bulong niya sa sarili niya.
“Hey tumutulo ang sipon mo. Mahiya ka naman” Oooops. Biglang
nagtransform ulit ito sa pagiging tigre. Hindi niya alam kung bakit nasabi niya
iyon. Lumapit ito sa kanya. Buong akala niya susuntukin siya nito pero laking
gulat niya ng magpasalamat ito.
Nakita niya ito ng malapitan. Maganda ang mga mata nito. Kulay gray.
Very transparent. Isang tingin niya lang dito alam niyang napakalungot ito.
“RJ, right?”
“Oo. Bakit?” tipid nitong tugon.
“Kilala mo ba si Doc Mike?” tanong ko.
“Yes. He’s my ex-boyfriend’s brother.” Walang pag atubiling sagot nito.
“You’re gay?”Gulantang na tanong ko.
“I understand kung ganyan ka magreact. Kung parents ko nga di ako
matanggap. Ikaw pa?” Nakangiting sabi nito. Per bakas sa mukha nito ang
lungkot.
“Sorry kung na offend kita. I am not homophobic. It’s just that you
don’t look gay.” Pagpapaliwanag nito.
“It’s ok.” Tipid na pahayag nito.
May tumunog na phone.
Ang cell phone na nasa bulsa niya ang tumutunog. Tiningnan niya ang
phone. Alechzander calling...? Wala ata siyang kilalang taong ganun ang
pangalan. Ay! Oo nga pala kay RJ ang phone na to. “I guess this is your phone.”
Tiningnan siya nito. Kinuha sa kanya ang phone. At sinagot nito.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
RJ
“Where the hell are you?” sigaw ng kuya niya nasa kabilang linya.
“Συνάντησα ένα
ατύχημα, ο αδελφός. Αλλά πριν σας σκοτώσουν εμένα, έκπληξη! Είμαι ζωντανός.” Pabalang na sagot ko sa kapatid
ko. Sinadya kong magsalita ng Greek na ibig sabihin ay “I met an accident,
Brother. But before you kill me, Surprise! i still am alive.” para di ako maintindihan ng Mokong na to na nasa harap ko na
sobrang gwapo na gusto kong idikdik ang mukha sa sobrang kakapalan ng mukha.
Nakita niyang
nakakunot ang mukha ni Nate. Hahaha.
Poor macho gwapitong loko loko. Hahaha.
Kala mo ha.
Makakabawi rin ako sa ginawa mo sakin na pagpapahiya sa madlang people. Isip
isip ko. Hay sana ako si Merlin para mapoweran ko ang lalaking to.
“Are you hurt?
Where are you? Are you still in a hospital? What hospital? I am going there.”
Pag alala nito sa salitang Greek.
“I am fine. You
don’t have to go here. See you at the Condo. You will be the one to carry all
our things. We will not help you since it’s what you like - for me to stay with
you. Bye bye Big Bro. Mwah. I still have
to knock the monster in front of me.” Pinutol ko na agad ang usapan namin.
“What?” Tanong niya sa tulalang anghel este demonyo sa harapan niya.”
Naasar lalo siya ng ngumiti ito. Nakita na naman niya ang napakagandang ngipin
nito.
“Who is the monster?” tanong nito.
“Anong pinagsasabi mo?” Pagtataka niya.
“Μπορώ να κατανοώ
σίγουρα Ελληνική.” Pagmamayabang
nito.
Nagulat ako siyempre. “Eh talagang monster ka sa buhay ko.”
“Kelan pa ko naging monster sa buhay mo? Aber? Eh ngayon lang tayo
nagkakilala. At tsaka may monster ban a gwapo?” wika nito.
“Kapal. Remember. Nung nasa Glorietta ako two weeks ago. Pakindat
kindat ka pang nalalaman.” Pagmamarkulyo ko.
“You are that guy?” gulat na gulat ito.
Yeah bitch. Kung di lang ito gwapo, sinuntok na niya ito hanggang sa
magdugo ang buong pagmumukha nito. Buti na lang at isa akong artist. At
naniniwala ako ang kagwapuhang taglay nito ay dapat idinidikit sa canvass habambuhay
hanggang sa mamatay ito. Hahaha!.
“Yes. Ako lang naman ang pinahiya mo sa harap ng sandamakmak na tao.”
Sagot ko rito.
“I didn’t mean to offend you. I just found you cute that time. Well,
honestly you look handsomer this time.” Sabi nito.
Nabigla siya. Bakla nga ito. Walang lalaking ganun magsalita. Yung
nakaka appreciate ng kagandahan ng isang bagay. Tsaka ano raw, he found me cute
two weeks ago? Eh Nerdy nerdy ang dating ko nun.
Natawa ito. “Maaaring iniisip mo na bading ako no? Haha. Look. Aside
from being an entrepreneur, photographer din ako kaya alam ko kung gwapo o
pangit ang tao. Naghihinayang nga ko nun ng di kita mapicturan. But then here
you are.” Sinserong pagpapaliwanag nito.
“Ah ok. Fine.” Sagot niya rito.
“Sayang ulam na sana. Naging bato pa.” Paghihinayang ng kanyang
kontrabidang utak. Sang ayon din naman ako.
Well. Kelangan ko ng tanggapin na wala na ko sa buhay ni Karl. Ginawa
ko ng lahat para imulat siya sa katotohanan.
“Hey RJ are you thinking of making this guy a panakip butas?” pag
tataglish ng utak niya
Nope. He’s a guy. Definitely not. But I want him at my canvass. Good
heavens. May naisip siyang plano para pumayag ito.
J

No comments:
Post a Comment